Mag email sa info@kasamaka.com para sa ibang detalye.
Ang KasamaKA ay isang community at income builder program kung saan ang bawat miyembro ay maaaring kumita ng extra!
BAKIT BINUO ANG KASAMAKA PROGRAM?
Ang layuning ng KasamaKa ay bilang pagsuporta sa mga adhikain ng pamahalaan na itaguyod ang National Strategy for Financial Inclusion. Nais nito na lalo pang maramdaman ng mga mas nakararaming mga Filipino ang pagkakaroon ng mga alternatibong pinansyal na serbisyo. Kasama dito ang digital lending, insurance, savings, investment, payments, lay-away at marami pang iba. Ito ay laan upang iangat ang antas ng ating pamumuhay.
Ito rin ay isa lamang sa mga paraan upang magkaroon ng pangmalawakang kaalaman ukol sa mga produktong ito at paano ito makakatulong sa bawat pamilyang Filipino. Kaakibat nito ang kamulatan sa pag-iwas sa “5-6” o mga mapang abusong nagpapautang ng sobra at di makatwirang interes. Gamit lang ang iyong cellphone, ang sino mang Filipino ay maari ng maabot ang mge serbisyong ito saan man at sa ano mang oras. Halina at maki-isa dahil Kasama Ka!
ANO ANG KASAMAKA PROGRAM?
Ang KasamaKA ay isang community at income builder program kung saan ang bawat miyembro (“KasamaKA Builder) ay maaaring mag refer ng mga kakilala (“Applicant”) na interesadong mag-apply ng ano mang digital financial services kagaya ng loan, insurance, investment, savings, payments, lay-away at iba pang mga produktong ino-offer sa Lendr.com.ph. Maaaring kumita ng hanggang ₱300 sa bawat booked/released loan o iba pang mga financial services na nai-refer ng miyembro.
SINO ANG MAAARING SUMALI?
Ang KasamaKA Program ay bukas sa lahat ng Filipino na gustong maging KasamaKA Community Builder para magkaroon ng extrang kita.
PAANO SUMALI?
a. Mag sign-up gamit ang website o SMS:
VIA WEBSITE: Mag sign-up sa www.kasamaka.com upang maging isang KasamaKA Community Builder. Ibigay lang ang mga sumusunod na impormasyon:
Full Name / Kumpletong Pangalan
Date of Birth / Araw ng Kapanganakan
Nationality / Nasyonalidad
Present Address / Kasalukuyang Tirahan
Source of Income / Saan galling ang iyong kasalukuyang kita
Mobile Number
PAANO KUMITA NG EXTRA SA KASAMAKA PROGRAM?
Mag-refer ng mga kapamilya, kaibigan, “suki”, kapitbahay o kakilala na mag-apply ng loan o iba pang financial services sa lendr.com.ph, at maari kang magkaroon ng extrang kita.
- Kapag ikaw ay isa nang registered Lendr KasamaKA Builder, matatanggap mo ang iyong unique KasamaKA Builder ID via text message. Upang mag-qualify sa cash credit, dapat ay i-enter ng Applicant ang iyong KasamaKA Builder ID sa kanyang application sa app.lendr.com.ph.
- Ang mga booked/released loans na kumpirmadong nai-release ng partner bank lamang ang maaring kumita ng cash credit. Maaring kumita ng hanggang P300 sa bawat booked/released loan at sa iba pang financial services na iyong nai-refer.
- Matatanggap ang iyong cash credit sa iyong PayMaya account ayon sa sumusunod na schedule:
Booked Loans Cut-Off Credit Date 1st to 15th katapusan ng buwan 16th to 31st 15th ng susunod na buwan
Notes:
Aggregate cash credit for PayMaya accounts that are NOT upgraded is up to P50,000 per month and for Upgraded accounts is up to P100,000 per month. Any amount in excess will be credited the following month.
MAHALAGANG PAALALA:
- Siguruhing ang registered mobile number ay ang iyong registered/upgraded PayMaya Account Number. Dito ipapasok ang mga kinita mo bilang KasamaKa Community Builder.
- Walang access ang isang KasamaKA Builder sa application ng kanyang nire-refer na aplikante. Hindi rin maaring mag-sumite ng application ang isang KasamaKA Builder sa ngalan ng aplikante na kanyang nire-refer.
- Ang isang KasamaKA Builder ay maari ring maging mag-apply ng loan at iba pang financial services para sa kanyang sarili at kumita ng extra sa bawat referral.
- Lahat ng sign-up forms na isinubmit bago mag-5PM mula Lunes hanggang Biyernes ay mapro-process at makakatanggap ng KasamaKA Builder ID via text message within two (2) business days.
- Ang programang ito, kabilang ang mga alituntunin (terms and conditions/program mechanics), ay maaaring magbago o itigil ng FINTQnologies Corp., nang walang paunang abiso.
- Kung sakaling magkaroon ng pagtutol o protesta tungkol, ngunit hindi limitado sa, kwalipikasyon ng isang KasamaKA Builder, ang desisyon ng FINTQnologies Corp ang mananaig.
- Ang alituntunin (Terms & Conditions and Privacy Policy) na nakasaad sa lendr.com.ph ay siya ring susundin ng isang KasamaKA Builder.
- Ang alituntunin Terms & Conditions na nakasaad sa paggamit ng PayMaya Account/Card ay sya ring susundin ng isang KasamaKA Builder. Bisitahin ang https://paymaya.com/ para sa iba pang detalye.


