FAQs
Ano ang KasamaKA?
Ang KasamaKA ay isang community at income builder program kung saan ang bawat miyembro ay maaring mag refer ng mga kakilala na interesadong mag-apply ng loan, insurance, investment, savings, payments, lay-away at iba pang produkto sa Lendr.com.ph. Sa bawat booked/released na loan o iba pang produkto ng Lendr ikaw ay maaring kumita ng hanggang Php 300.
Ano ang layunin ng KasamaKA?
Ang layunin ng KasamaKa ay tulungan ang bawat pamilyang Filipino na magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa alternatibong pinansyal na serbisyo tulad ng digital lending, insurance, savings, investments, payments, lay-away at marami pang iba. Nais ng KasamaKA na ipaabot ang mga serbisyo na ito nang mabilis at sa madaling paraan.
Sino ang maaring sumali?
Ito ay bukas sa lahat ng mga Filipino na nais maging KasamaKa Builder at nagnanais na magkaroon ng extrang kita.
Paano maging KasamaKa Builder?
a.Mag sign-up gamit ang website o SMS: VIA WEBSITE: Mag sign-up sa www.kasamaka.com upang maging isang KasamaKA Community Builder. Ibigay lang ang mga sumusunod na impormasyon:
- Full Name / Kumpletong Pangalan
- Date of Birth / Araw ng Kapanganakan
- Nationality / Nasyonalidad
- Present Address / Kasalukuyang Tirahan
- Source of Income / Saan galling ang iyong kasalukuyang kita
- Mobile Number
VIA SMS: Text REG <Space><First Name>/<Last Name>/<Date of Birth, MMDDYYYY>/<Address> and send to 29292
b.Pag registered ka na, matatanggap mo ang iyong KasamaKA Builder ID Code via text message. Matapos matanggap ito, maari ka nang mag-refer ng mga kakilala na mag a-apply ng loan at iba pang financial services sa lendr.com.ph gamit ang Builder ID na ito.
Paano kumita sa KasamaKa Program?
Simple lamang kumita sa KasamaKA Program, mag-refer ng mga kakilala na mag-apply ng loan at iba pang financial services sa lendr.com.ph. Ibigay ang iyong Builder ID sa iyong ni-refer. Upang mag-qualify sa cash credit, dapat ay i-enter ng Applicant ang iyong KasamaKA Builder ID sa kanyang application sa lendr.com.ph.
Paalala: Ang mga booked/released loans na kumpirmadong nai-release ng partner bank lamang ang maaring kumita ng cash credit.
Hanggang magkano ang maaring kitain sa bawat referral?
Maaring kang kumita ng hanggang P300 sa bawat booked/released loan at sa iba pang financial services na iyong nai-refer.
Paano makukuha ang mga kinita sa referral?
Ang kinita mong cash credit sa iyong referral ay ipapasok sa iyong PayMaya Account.
Tuwing kailan makukuha ang mga kinita sa referral?
Makukuha mo ang iyong kinita sa sumusunod na iskedyul.
Booked Loans Cut-Off | Credit Date |
---|---|
1st to 15th | 16th to 31st |
16th to 31st | 15th ng susunod na buwan |
Kailangan ba ng mobile number para makasali sa KasamaKa?
Kinakailangan ang iyong mobile number upang makapag-register sa KasamaKA Program. Siguraduhin ang registered mobile number ay ang iyong registered/upgraded PayMaya Account Number. Dito ipapasok ang mga kinita mo bilang KasamaKa Community Builder.
Maari ba akong magpasa ng application para sa ibang aplikante?
Hindi maari. Tanging ang aplikante lamang na nagnanais mag-apply ang maaring magpasa ng kanyang application.
Makikita ba ng nag-refer ang mga inapplyan ng kanyang mga hinikayat?
Hindi. Walang access ang isang KasamaKA Builder sa application ng kanyang nire-refer na aplikante.
Maari din bang makapag-apply ng loan at iba pang financial services ng Lendr ang isang KasamaKa Builder?
Oo, ang isang KasamaKA Builder ay maari ding mag-apply ng loan at iba pang produkto ng Lendr para sa kanyang sarili.
Gaano katagal upang maging KasamaKa Builder?
Lahat ng sign-up forms na isinubmit bago mag-5PM mula Lunes hanggang Biyernes ay mapro-process at makakatanggap ng KasamaKA Builder ID via text message within two (2) business days.
Kailan maaring magsimulang magrefer para sa KasamaKa?
Kapag natanggap mo na ang iyong KasamaKa Builder ID maari ka nang makapagsimulang mag-refer sa iyong mga kakilala. Ibigay lamang ito sa iyong hinikayat at ilagay sa kanyang application sa www.lendr.com.ph.
Pwede ba makapag-loan agad pagkatapos maging KasamaKA member?
Pwede! Pero dapat mag-sign up muna sa Lendr.com.ph. At tandaan na ang Builder ID na manggagaling sa KasamaKA registration ay para lamang sa referral code ng KasamaKA. Siguraduhing sabihin sa ni-refer na gamitin ang KasamaKA Builder code mo sa paggawa o sa pag-sign up ng Lendr account.
Ang KasamaKA ay isang digital referral program, habang ang Lendr ay isang loans marketplace.